Kilala ang aktres at komedyanteng si Ruffa Mae Quinto sa mga katagang “Todo Na ‘To”. Sa mga katagang ito, nakilala siya dahil sa kanyang fighting spirit at pagbibigay ng todo todo sa lahat ng kanyang ginagawa.
Kaya naman, hindi nakapagtataka kung bakit ang mga naisin sa buhay ni Ruffa Mae ay kanyang naabot dahil sa kanyang sipag, tiyaga at positibong paningin sa buhay.Isa sa mga goals ni Ruffa Mae ay ang kanilang bahay sa Pinas. At ito na nga ay kanyang naipatayo na at ipinakita niya sa atin sa IG ang kanyang humble ancestral home.Ayon kay Ruffa Mae, habang p@ndem!c daw ay ipinapagawa niya ang kanyang bahay habang siya ay nasa America.
“Ito yung bahay namin sa Pilipinas na uuwian namin kapag pwede ng umuwi. Imagine habang p@ndem!c , nag papagawa ako ng bahay , habang Andito ako sa malayong lugar, sa America, andyan yang lockdown , stop close ,open , ecq, mcq, gcq , etc….,” kwento ni Ruffa Mae.
Malaki ang pasasalamat niya sa Panginoon na sa wakas ay natapos na ito.”pero sa awa ng Diyos , Pa tapos na ang bahay, naitawid ang Lahat . Kaka miss … pero wait wait Lang… Todo na to! Go go goals god will provide amen ito din yung katas ng labor of love Ito din ang isa sa dahilan Bakit miss na miss ko ang Pilipinas,” pagpapatuloy pa ni Ruffa Mae..
Sa katunayan, dalawang bahay ang kanyang pinapagawa sa Pinas at America. Kaya naman, todong todo na talaga ito.”Worth it ang aming Ldr ! Kasi Ito yung reason Bakit kami mag susumikap para sa anak naming si @alexandriamagallanes namin @trevvvsilog ! Oo struggle kami pero May queen Elsa room na si Athena soon. So happiness na din kami! Unti -unting makakamit mga Pangarap! Go go go! Todo na to,” sambit pa ni Ruffa Mae.
The post Rufa Mae Quinto,nagpahapyaw ng kanyang pinapagawang bahay sa Pilipinas kahit sya ay nasa Amerika ngayon appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
0 Comments