Looking For Anything Specific?

“Glow up” ni Lei Reposposa, kinagiliwan ng mga netizens

Kilala si Angelie Reposposa o mas kilala bilang si Lei dahil sa kanyang talento at personality. Nakilala siya sa kanyang galing sa pag-awit at sa pakikisama.Unang nakita ng Lahat si Lei nang siya ay sumali bilang contestant sa “Tawag ng Tanghalan” ng It’s Showtime na mapapanood sa ABS-CBN.



Credit: Lei Reposposa instagram

Talaga namang napakagaling ni Lei sa pag-awit kaya nakilala siya dahil sa kanyang angking galing. Bukod pa dito, naging daan ito sa kanya para magpatuloy ang karera niya sa telebisyon.Noong kasing sumali siya sa Tawag Ng Tanghalan ay nainterview siya ni Vice Ganda at sinabi ni Lei na gusto niyang pumasok sa bahay ni Kuya. Sakto pa man din na naghahanap ng housemate ang PBB.

Credit: Lei Reposposa instagram

Kaya naman, nabigyan siya ng oportunidad para makapasok sa bahay ni Kuya. Dito naman nakita ang tunay na pagkatao ni Lei na masayahin, pala kaibigan at talagang marunong makisama.Kung titignan, simpleng simple lang talaga si Lei noon na walang kolorete sa mukha at talagang simple lang kung manamit at pumorma.



Credit: Lei Reposposa instagram

Tila may transformation ngayon, dahil nakakapanibago talaga ang pananamit ng dalaga at maging sa kanyang pag-aayos.Makikita naman talagang mas gumanda si Lei at walang masama dito.

Credit: Lei Reposposa instagram

Makikita ang transformation na ito ni Lei sa kanyang social media account na kung saan ang mga pagbabago ay talagang nakakabilib.Pumuti si Lei at napapansin din sa kanya ang pagiging slim nito. Lalong lumutang pa ang kanyang ganda sa inilagay niyang make up sa mukha.

Credit: Lei Reposposa instagram

Siyempre dahil dito ay mas makikita ang confidence ni Lei ngayon. Maging ang pagiging slim nito kumpara noon ay mapapansin sa mga larawan niya sa social media.

Credit: Lei Reposposa instagram

Wala namang masama sa mga pagbabagong ito. Sabi nga nila, be yourself. Anuman ang gagawin natin sa ating mga sarili ay walang kaso hanggat wala tayong ginagawang masaya. Marami tuloy ang nakaabang sa magiging karera pa ni Lei sa showbiz.



Credit: Lei Reposposa instagram

The post “Glow up” ni Lei Reposposa, kinagiliwan ng mga netizens appeared first on Beautiful Feature.


Source: Beautiful Feature

Post a Comment

0 Comments