Marami na nga naman ngayon ang sumubok na sa negosyong online selling.
Lalo na sa panahon ng p@nd3mya na halos lahat ng transactions ay nasa online world na.
Malaking tulong din ito sa kabuhayan ng mga tao dahil apektado na rin ngayon ang kabuhayan sa panahon ng p@ndemyang ito.Gaya na lamang ng aktres na si Neri Naig, asawa ni Chito Miranda, bokalista ng Parokya ni Edgar. Sumubok din siya sa negosyong ito at talaga namang tinangkilik ng masa.
Ngayon, nagbunga ang kanyang negosyo at mayroon ng bagong condominium unit. Ito ay nabili niya dahil sa kanyang sipag at tiyaga sa pagbebenta.Ibinahagi pa sa atin ni Neri ang kaniyang nabiling unit at puno siya ng pasasalamat sa Panginoon.
“Thank you, Lord! Isa na namang biyaya from You po. Dahil sa pagtitinda ng tuyo, suka, kape, beddings, sleepwear, at accessories online, nakabili ng isang condo sa may tabing dagat,” saad ni Neri.
Samantala, nagpasalamat din siya sa lahat ng mga bumati sa kanya sa kanyang espesyal na araw ng kanyang kapannganakan.”Ang dami ko na palang ‘nabago’ ang mga buhay sa pamamagitan ng pag-inspire sa lahat na walang imposible sa mga taong may mga pangarap, ang mga masisipag, at may determinasyon. Lahat ay posible dahil may Diyos at Allah sa buhay at puso nating lahat. At kapag nakaraos sa hirap, ang blessings natin ay dapat i-share sa mga taong naging katulad natin noon na nahirapan pero bumabangon at lumalaban,”mensahe ni Neri sa mga netizens na bumati sa kanya.
Isang inspirasyon din si Neri sa mga netizens dahil sa kaniyang pagiging diskarte at tagumpay.”She’s one of my inspirations why I’m kuripot(masinop) . There’s nothing wrong with being kuripot,mhirap kumita ng pera. And at times of emergency,may madudukot ka at para iwas utang din. Godbless miss neri! Kaway sa mga babaeng maabilidad sa buhay at marunong sa pera! ,” sambit ng isang netizen.
The post Neri Miranda, nakabili ng kanyang condo unit dahil sa sipag at tyaga sa pagbebenta online appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
0 Comments