Looking For Anything Specific?

Kambal ni Jinkee Pacquiao na si Janet Jamora, masayang inanunsyo ang gender ng kanyang magiging anak




Kilalang twin sister ni Jinkee Pacquiao, asawa ni Senator Manny Pacquiao si Janet
Jamora. Talagang makikita na magkamukhang magkamukha sila.Sanggang dikit kung maituturing si Janet at Jinkee. Hindi mo nga naman maipaghihiwalay ang dalawa dahil sa kanilang closeness. At hanggang ngayon, kahit sila ay may sari sariling pamilya na ay close na close pa din sila.


Ikinasal si Janet Jamora sa kanyang mister na si Steven Jumalon. Si Steven ay nakilala bilang Tibo nang siya ay sumali sa Pinoy Brother: Double Up. Ikinasal silang dalawa noong February 2016 sa isang private beach sa Sarangani.



Credit: Janet Jamora instagram

Limang buwan ng buntis ngayon si Janet at sila ay nagkaroon ng gender reveal party kasama ang pamilya at mga kaanak lamang. Simpleng selebrasyon ito pero napakasaya dahil isang baby boy ang parating sa kanila.

Credit: Janet Jamora instagram

“For those of you who wanted to know, I am blessed with a baby boy! 👶🏻💙 Thank you @llamamaandbubba for sending me these! I definitely love all of these 🥰 here’s to all the moms! check out their ig page @llamamaandbubba where you can find different baby products that are best for your babies! 💞👶🏻,” saad ni Janet sa IG.

Credit: Janet Jamora instagram

Nagpasalamat si Janet sa Llamama and Bubba sa mga gamit na dumating na magagamit ni Janet sa kanyang panganganak. Handang handa na rin naman si Janet sa kanyang panganganak.Inaasahan na siya ay manganganak sa darating na January 2021. Excited ang lahat na makita ang baby ni Janet at Steven..

Credit: Janet Jamora instagram



The post Kambal ni Jinkee Pacquiao na si Janet Jamora, masayang inanunsyo ang gender ng kanyang magiging anak appeared first on Beautiful Feature.


Source: Beautiful Feature

Post a Comment

0 Comments