Patok na patok sa atin ngayon ang online selling. Pagbukas pa lamang ng ating mga social media account, makikita na dito ang pagdagsa ng mga produkto sa internet, ito man ay gamit, pagkain at iba pa.Dito natin nakita ang diskarte at galing ng mga Pinoy lalo na ngayong p@nd3mya na apektado ang trabaho at negosyo.
Gaya na lamang ng aktres na si Nadine Samonte Chua at ang kanyang asawang si Richard na sumabak na rin sa pagnenegosyo.”Yes we sell dried fishes na din. You know why? Nung nakatikim ako nito super sarap y? Actually matagal nko bumibili nyan and lagi kami mern dito sa house kasi fav din ni heather ang danggit and dilis,” saad ni Nadine.
Sa kwento ni Nadine, nakukuha pa nila ang kanilang mga produktong danggit, sweet pusit, palad flakes, big dilis boneless at small dilis sa Masbate. Kaya naman, napakasarap talaga nito lalo na at unsalted ito.
“Etong mga dried fishes na to are fresh from Masbate tapos unsalted lahat kaya masarap. We sell by batches etong mga andto ngyn lahat sold out na po. We will post next batch availability and prices. We have Danggit, sweet Pusit, Palad Flakes, Big dilis boneless and Small dilis lahat hindi maalat and fresh from Masbate pa tlga kaya malinamnam hehe,” dagdag pa ni Nadine.
Per batch ang pagbebenta nila nito at sold out agad ang mga nasa larawan. Talaga nga namang diskarte, sipag at tiyaga nga naman ang susi para umangat at magtagumpay sa buhay. Kaya, wala nga naman dapat ikahiya dito.
“Hindi ako nahihiya na magbenta ng ganito kasi sa panahon ngyn kelngn natin maging madiskarte and hindi nakakahiya kasi masarap tga Ang sabi ng asawa ko the new D&D queen daw ako ng south hahaha meaning? Danggit and Dilis hahaha,” dagdag pa ni Nadine.Kaya naman, narito na ang D&D queen na si Nadine Samonte!
The post Nadine Samonte,sinabing hindi kinakahiya ang pagbebenta nya ngayon ng dilis at danggit ngayon pandemy@ appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
0 Comments