“It’s more fun in the Philippines,” iyan nga naman ang naging banner at tatak ng ating bansa lalo na sa turismo. Pero bukod sa lugar at mga tourist destinations, isa sa mga binabalik balikan ng mga turista ay ang init ng pagtanggap ng mga Pinoy.
Kilala ang mga Pinoy sa pagiging hospitable. Pagdating sa pagtanggap ng mga bisita ay numero uno ang Pinoy. Hindi nakapagtataka kung bakit binabalik balikan ng 36 taong gulang na American vlogger na si Dustin Borglin ang ating bansa.
Unang beses na bumisita ni Dustin sa bansa ay noong 2016. Dito niya nakilala ang mag-asawang Raymund at Reche Adoptante, na kung saan nakakalaro ni Raymund si Dustin ng basketball.
Todo ang saya ni Dustin dito kaya binalikan niya ang bansa at ang kaibigan niyang mag-asawa. Ngunit, nang namalagi siya dito ay noong Marso 2020 na kung saan na l0ckd0wn ang ating bansa kaya’t walang choice si Dustin kundi mamalagi muna dito.
Buti na lang, nandiyan si Raymund at Reche. Sa kanila muna siya tumira na kung saan mas nakasama niya at mas nakilala ni Dustin ang kanyang mga kaibigan, maging ang kulturang Pinoy. Natuto si Dustin na magluto ng Pinoy food at nakahiligan na din niya ito.
Kahit pa hindi ito ang nakasanayang buhay ni Dustin, walang reklamo o arte kundi on the go naman lagi siya.Bukod pa dito, nakatulong din si Dustin sa mga taga doon. Marami ang nag abot ng tulong sa mga nangangailangan doon na ipinapakita niya sa kanyang vlog.
Maging ang kanyang sariling kita sa pag vlog ay inaabit niya doon na tulong sa mga nangangailangan. Kaya naman, Santa Claus ang bansag sa kanya.Sa lahat ng ito, malaki ang pasalamat ni Dustin kina Raymund at Reche dahil sa kabaitan na ipinakita nila sa kaniya. Bilang ganti, rinegaluhan niya ang mag-asawa ng isang bagong bahay.
Hindi ito akalain ng dalawa at talagang lubos ang tuwa at pasasalamat nila kay Dustin.
The post Isang Amerikanong vlogger na naistranded sa Cebu,nagpatayo ng bahay para sa pamilyang kumupkop sa kanya appeared first on Beautiful Feature.
Source: Beautiful Feature
0 Comments