Looking For Anything Specific?

Heart Evangelista,pinasilip ang bagong State College Library sa Sorsogon

Isang lunsaran ng kaalaman ang mga libro. Sa pagusbong ng modernong teknolohiya ngayon, hindi pa rin natin maikakaila na epektibo pa rin ang nga libro ngayon. Kaya mahalaga na magkaroon ng mga libraries na accesible para sa lahat.Malaking tulong ang mga libraries na ito para sa mga kabataan lalo na sa mga nag-aaral ngayon.




Credit: Heart Evangelista instagram

Kaya naman, usap usapan ngayon ang library ng Sorsogon State College na ipinakita sa atin ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram.
“What a sight,” iyan lamang ang nasabi ni Heart sa kanyang IG caption ng ibinahagi ang napakagandang library ng state college.

Credit: Heart Evangelista instagram

Dalawang palapag ang library na mayroongcircular layout, glass dome, desk space, airconditioning, at shelves ng mga libro na talagang napaka aliwalas tignan.
Unang tingin pa lang ay gaganahan ka ng mag-aral dahil sa napakagandang disenyo nito. Akala mo ay ito ang napapanood sa mga pelikula sa ganda nito.




Credit: Heart Evangelista instagram

Dinisenyo ito ng Oman-based designer John Olinad Esller na nagpasalamat kay Heart at kay Chiz Escudero para sa oportunidad na ito.

Credit: Heart Evangelista instagram

“As designer, it s an honor po to know that more people are having a good feedback to the designs. I made the plans based on CHED s guidelines to cater more students and readers. It is just one of the requirements to make SSC fully a State University, proud to be the designer, good to see my drawings come to life, salamat at may mga nakakaappreciate. This is for my Alma Mater,” saad ni John.

 

View this post on Instagram

 

What a sight! The new Sorsogon State College Library is a dream come true for our dear students. ❣ #MahalKongSorsogon

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on


Ayon sa New York-based Filipino designer na si Rafe Totengco, naala niya daw sa library na ito ang library sa Stockholm, Sweden.Habang para sa broadcast journalist na si Karen Davila, ito ay inspired at mini version ng Library of Congress sa Washington DC.Nakakabilib nga naman ang pagpapagawa ng library na ito. Siguradong gaganahan kang mag-aral sa ambience nito. Mahalaga ngayon ay maingatan at mas mapaganda pa ito.




Credit: Heart Evangelista instagram

The post Heart Evangelista,pinasilip ang bagong State College Library sa Sorsogon appeared first on Beautiful Feature.


Source: Beautiful Feature

Post a Comment

0 Comments