Looking For Anything Specific?

Anne Curtis, may sweet na sweet na mensahe sa kanyang asawang si Erwan Heussaff

Kinikilala ang ating mga ama bilang haligi ng bawat tahanan. Sila ang inaasahan na mamuno sa pamilya at maging pundasyon ng pamilya. Malaki ang sakripisyo ng mga ama sa tahanan lalo na at sila ang inaasahan na mag provide ng mga pangangailangan. Kumakayod at sila’y nagsasakripisyo katuwang ang ating mga ina para sa kapakanan ng bawat isa.



Credit: Anne Curtis instagram

Kaya naman, deserve na deserve nila ang espesyal na araw na nagbibigay pugay sa kanilang sakripisyo para sa atin, ang Araw ng mga Ama. Nakasanayan na natin ito sa atin na ipinagdiriwang tuwing ikatlong Linggo ng Hunyo pero sa ibang bansa gaya ng Australia, ito ay ipinagdiriwang tuwing Setyembre.

Credit: Anne Curtis instagram

Nagdiwang si Erwan Heussaff ng Father’s Day kasama ang kanyang asawang si Anne Curtis at anak na si Baby Dahlia. Dahil na rin sa lockd0wn, sila ay namalagi na muna sa Melbourne, Australia habang hinihintay ito.

Credit: Anne Curtis instagram




Bago pa man ito, nagdiwang na sila noong nakaraan ng 6th month birthday ni Dahlia at ngayon naman ay ang Father’s Day.

Credit: Anne Curtis instagram

Sa IG post ni Anne, makikita ang larawan ni Dahlia at Erwan na magkasama. Pareho sila ng pose habang kumakain ng saging at may caption na”Twins”.
“We celebrate having you in our lives not just on Father’s Day but every. single. day. Thank you for being an amazing partner and an even more amazing papa to our little one. We love you @erwan. Happy Father’s Day 😋 Naaaks this year, you get to celebrate twice..P.S – I guess it’s safe to say that I love you more- Why? Well, our firstborn looks exactly like you 🌸 My Mum told me ganun daw yun. 😋

Credit: Anne Curtis instagram




Happy Father’s Day to all the Dads, Grandfathers and Father Figures on this side of the world! Big hugs and kisses 💋,” saad ni Anne sa kanyang Father’s Day greeting kay Erwan.

The post Anne Curtis, may sweet na sweet na mensahe sa kanyang asawang si Erwan Heussaff appeared first on Beautiful Feature.


Source: Beautiful Feature

Post a Comment

0 Comments