Looking For Anything Specific?

GMagpasa ng Panukalang Aklat sa Komisyon sa Wikang Filipino!

PANAWAGAN PARA SA PANUKALANG AKLAT

Inaanyayahan ang lahat na magpása ng panukalang aklat para sa proyektong pampublikasyon ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Tatanggap ang patnugutan ng KWF Publikasyon ng

  • Teknikal na mga akda,
  • Saliksik pangwika,
  • Malikhaing akdang pampanitikan

na nakasulat sa Filipino at sa mga rehiyonal na wika sa Pilipinas gaya ng

  • Sebwano,
  • Chavacano,
  • Hiligaynon,
  • Ilocano,
  • Waray,
  • Bikol,
  • Kapampangan,
  • Tausug,
  • Mëranaw,
  • Kinaray-a,
  • Surigaonon, at iba pa.

Bukás ang panawagan para sa lahat ng

  • Manunulat,
  • Editor,
  • Tagasalin sa Filipino at rehiyonal na mga wika.

Layon ng proyekto na palakasin pang higit ang paggamit ang wikang Filipino at mga rehiyonal na wika sa Pilipinas.

Gayundin, target nitong matipon ang mahahalagang akdang pumapaksa sa wika at kultura ng bansa na magagamit sa pag-aaral, pagtuturo, at pananaliksik ng mga estudyante, guro, at iskolar.

Bisitahin ang https://kwf.gov.ph/kwf-publikasyon-2023/ para sa kompletong detalye

 

 


Source: Beautiful Feature

Post a Comment

0 Comments