Looking For Anything Specific?

PBB Otso Winner na si Yamyam Gucong,bumalik sa probinsya para makabalik sa pagsasaka at makasama ang pamilya

Kilala nating lahat ang Pinoy Big Brother Otso Big Winner na si Yamyam. Nakilala siya sa kanyang personalidad, pakikisama at pagiging kwela at masayahin.Laking probinsya si Yamyam kaya naman nang siya ay manalo ay pinili pa rin niyang bumalik sa probinsya at ma enjoy ang kanyang buhay doon kasama ang pamilya.



Source: Yamyam’s Vlog Youtube

Ang pagsasaka ang pinagkakaabalahan ni Yamyam sa probinsya. Makikita sa kanyang vlog ang proseso ng pag-aani ng kanilang mga tanim na mais at mani.Nakakaaliw nga namang panoorin si Yamyam kahit na napakahirap ng kanyang ginagawa. Nang mapagod na siya ay kinain naman niya ang mismong mga mani na kaniyang inani.

Source: Yamyam’s Vlog Youtube

Matapos nito, naibahagi niya sa atin na maging ang kanyang mga pamilya lalo na ang kanyang ama ay nagtatrabaho pa rin sa bukid.Kahit pa hindi na kailangan ito dahil naibibigay naman na ni Yamyam ang pangangailangan nila ng sapat ay nagtatrabaho pa rin siya sa sakahan.



Source: Yamyam’s Vlog Youtube

“Yung mga matatanda kasi, parang manghihina sila kapag hindi sila nakapagtrabaho sa bukid. Kaya siyempre ‘yung Papa ko patuloy pa rin siya sa pagbubukid kasi kinakahiligan niya rin kasing gawin eh. Parang parte na ng buhay niya ‘yun. Kasi mula kabataan niya hanggang sa nagka-asawa siya, magbubukid pa rin siya,” kwento ni Yamyam.

Source: Yamyam’s Vlog Youtube

Hindi na rin niya daw ito mapigilan dahil bahagi na ito ng kaniyang buhay at nagiging ehersisyo na rin ito ng kanyang ama.Lubos naman ang paghanga ng mga netizens sa kanyang simpleng pamumuhay sa probinsya.

Source: Yamyam’s Vlog Youtube

“This is the real yam yam… “Walang dahilan para magutom ka basta masipag ka”..godbless you yam Sino agree dyan””Yam pag Okey na ang lahat Sana isama MO Jan Sina Lou Andre at fumiya 😍😍nakakamis ang team layf ❤

“If everyone in this world is rich and living a fine life, what else would make humans motivated in life? Yam, you’re a hard-working man, a humble public figure and influencer, with a talent and faith in God! God bless to you and to your family, yam.”



Source: Yamyam’s Vlog Youtube

The post PBB Otso Winner na si Yamyam Gucong,bumalik sa probinsya para makabalik sa pagsasaka at makasama ang pamilya appeared first on Beautiful Feature.


Source: Beautiful Feature

Post a Comment

0 Comments