Looking For Anything Specific?

Mariel Padilla, ibinahagi ang kanilang nakakakilig na kwento sa nagdaang 10 taon bilang mag-asawa

Isa na namang milestone sa buhay ang ipinagdiwang ng celebrity couple na si Robin Padilla at Mariel Rodriguez-Padilla. Matatandaang nagkakilala ang dalawa sa show na “Wowowee” noong co-host pa ni Willie Revillame si Mariel. Nagpalitan naman sila ng kanila ng “I do’s” at nag-isang dibdib sa Taj Mahal sa India noong August 19, 2010.



Credit: Mariel Padilla instagram

Nagpost si Robin kama kailan at labis ang pasasalamat sa kanyang asawa, “Maraming salamat sa aking hosting coach, camerawoman, lightwoman at audiowoman @marieltpadilla ang pagtutulungan ng mag asawa sa paghahanapbuhay ay syang buhay ng pagsasama ng may kapayapaan at katahimikan. Kaawaan nawa ng Nag iisang Panginoong maylikha ang mga nagsisikap at nagsasakripisyo sa gitna ng pandemic at kahirapan in shaa Allah.”

Credit: Mariel Padilla instagram




Magkaiba man ang kanilang relihiyon at ilang pananaw sa buhay, ayon kay Mariel sa kanyang vlog na ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel, ay nangingibabaw pa rin ang pagmamahal. Marami man silang plano na naudlot dahil sa p@nd3mya, ibinahagi na lamang ni Mariel ang love story nilang mag-asawa sa mga viewers at followers niya.

Credit: Mariel Padilla instagram

“Hi guys!!! Sharing with you the 1st half of our anniversary. (Too much to share hindi kasya sa isang vlog lang hehehe) this is a very personal vlog because i am sharing what transcribed in the last 10 years. I hope this vlog inspires people to believe in love, to trust that they will find true love and what it takes to make it work. Thank you to everyone who greeted us!!!!”

Credit: Mariel Padilla instagram

Mula sa kung paano sila nagkakilala, hanggang sa ikasal sila at nag-kaanak. Labis ang pasasalamat ni Mariel sa kanyang asawa kaya naman sumulat ito ng vow para kay Robin.


Samantala, muling ipinaramdam ni Robin ang pagmamahal niya sa asawa sa pamamagitan ng kanyang post na ginamit ang lyrics ng kantang “Ipagpatawad mo” ni Vic Sotto.

“Ipagpatawad mo minahal kita agad. Ipagpatawad mo Magmula noon hanggang ngayon na 10 taon na tayo ay patuloy pa rin kitang iniibig. Ipagpatawad mo kung hihingin ko sa Nagiisang Panginoong maylikha ang marami pang taon sa piling mo para kitay mahalin at ibigin pa.”



The post Mariel Padilla, ibinahagi ang kanilang nakakakilig na kwento sa nagdaang 10 taon bilang mag-asawa appeared first on Beautiful Feature.


Source: Beautiful Feature

Post a Comment

0 Comments