Looking For Anything Specific?

Lyca Gairanod, naging emosyonal nang dalawin ang Lola at ang dati nitong tinitirhan

Source: Lyca Gairanod Youtube




Sa ating kwento patungong tagumpay, ay mayroon pa ring bagay at pagkakataon na ating babalikan kung saan tayo nagsimula. Mahirap man ang pinagmulan ang mahalaga ay nagpursigi at nagsumikap para makamit ang tagumpay.

Source: Lyca Gairanod Youtube

Iyan ang kwento ng kauna unahang The Voice Kids Grand Winner na si Lyca Gairanod. Ngayon, ay naabot na ni Lyca ang kanyang pangarap lalo na ang makapagpagawa ng sariling bahay. Sa pagkakataong ito, binalikan ni Lyca ang kanilang bahay na tinitirhan noon sa Tanza, Cavite.

Source: Lyca Gairanod Youtube




Malapit sa baybayin ng dagat ang kanilang bahay kaya naman marami na itong nadaanang unos at bagyo. Singtibay nga naman ni Lyca ang kanilang bahay.

Source: Lyca Gairanod Youtube

“Marami akong pinagdaanan dati. Alam niyo naman. Nakita niyo naman ‘yung istorya ko. Nag-MMK ako dati. Mula nung nag-The Voice ako, maraming-marami akong paghihirap na naranasan sa buhay ko. So dito na rin talaga ako lumaki,” kwento ni Lyca.

Source: Lyca Gairanod Youtube

Isa naman sa mga malalaking pagbabago dito ay ang mga modernong kagamitan gaya ng lutuan na mula sa ulingan ay stove na ngayon.

Source: Lyca Gairanod Youtube

“Siyempre hindi ko rin kayang kalimutan ang lugar na ‘to kung saan ako nanggaling. Hindi ko ‘to sinasabi para sabihin sa inyo na ganito ganyan ako. Sinasabi ko ‘to kasi gusto kong malaman ninyo na hanggang ngayon gusto kong bumalik sa buhay ko dati,” dagdag pa niya.

Source: Lyca Gairanod Youtube

Lubos naman ang pasasalamat ng lola ni Lyca dahil sa tulong na iniaabot ni Lyca sa kaniya.
“Si Lyca noon, mahirap. Ako nagpalaki dito. Ngayon, itong apo ko ang nagpaunlad sa amin dito. Sabi ko lang sa inyo, itong bahay na ibinigay niya sa akin, dito ako m@m@m@t@y. DIto ako. Hindi ako aalis dito maski sino pa ang magpapaalis,” pasasalamat ng kanyang lola.




Ikinwento naman ni Lyca kung paano siya inalagaan ng kanyang lola noong bata pa siya.
“Kasi kay lola, dito talaga ako lumaki. Siya ‘yung laging kasama ko nung bata pa ako. Siya ‘yung laging nag-aalaga sa akin kasi si Mama nagta-trabaho siyempre para makakain din kami ng maayos.”

The post Lyca Gairanod, naging emosyonal nang dalawin ang Lola at ang dati nitong tinitirhan appeared first on Beautiful Feature.


Source: Beautiful Feature

Post a Comment

0 Comments