Looking For Anything Specific?

Carlo Aquino,masayang inanunsyo ang kanilang anak ni Trina Candaza na si Baby Enola Mithi

Pagdating sa aktingan, hindi mo nga naman mahuhuli ang aktor na si Carlo Aquino. Talagang napakagaling ni Carlo sa bawat pelikula o teleserye niya.Bata pa lamang si Carlo ay umaarte na siya. Isa sa mga iconic role niya na hanggang ngayon ay alam pa ng lahat ay ang kanyang pelikula kasama si Vilma Santos sa Bata, Bata Paano Ka Ginawa. Sino ba ang hindi nakakaalam ng mga katagang “akala mo lang wala, pero meron meron meron!”



Credit: Trina Candaza instagram

Kung dati ay bata pa lamang si Carlo. Ngayon ay 35 years old na siya at siya ay isa ng daddy. Naipanganak na at ipinakita na sa publiko ang kanilang baby ng kanyang kasintahan na si Trina Candaza.September 13 nang ipakilala ni Carlo ang kanyang baby princess sa social media na si baby Enola Mithi Aquino. Napaka cute nga naman ni baby at manang mana sa kanyang mga magulang.

Credit: Trina Candaza instagram

Pinost ni Carlo ang close up shot ng face ni Baby. At makikita talaga ang overloading cuteness nito.“You can thank your stars all you want but Ill always be the lucky one Enola Mithi Aquino @trinacandaza,” caption ni Carlo.

Credit: Carlo Aquino instagram




Ang caption na ito ay lyrics ng kantang “Your Universe” ni Rico Blanco. Sa post ay tinag niya din ang kanyang partner na si Trina Candaza.Matatandaang noong nakaraang taon nang kumpirmahin ni Carlo at Trina ang kanilang relasyon. At ngayon ay nagbunga na ang lahat ng ito.

 

View this post on Instagram

 

You can thank your stars all you want but Ill always be the lucky one Enola Mithi Aquino @trinacandaza

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag) on


Wala namang mapaglagyan ang saya at tuwa ni Carlo lalo na at ito ang unang beses na siya ay magiging isang ama na.Sa ngayon, ineexplore na rin ni Carlo Aquino ang music career. Siya pa din ay umaarte sa TV at pelikula na kung saan bumida siya 2019 movie na Isa Pa, With Feelings kasama si Maine Mendoza at sa ABS-CBN drama series na A S0ldier’s Love.

Credit: Carlo Aquino instagram



The post Carlo Aquino,masayang inanunsyo ang kanilang anak ni Trina Candaza na si Baby Enola Mithi appeared first on Beautiful Feature.


Source: Beautiful Feature

Post a Comment

0 Comments